Tags

, , , , , , , ,

-Hindi pa po ako tapos mag 1st year,kaya dapat nagaaral ako ngayon kasi may exam ako pero eto ako nag susulat. Nawa po ay lahat kami makatapos ng 1st year at ma promote sa 2nd year. #Batch2018

1. Medicine is a new language, mula sa parati nating naririnig na mga medical terms nung undergrad hanggang sa mga medical terms na “Di mo inakala” (Fraser-Francois Meyer-Schwickerath Ulrich feichtiger syndrome). Halos lahat ng medical jargons ay Greek (di maintindihan) sa 1st year. Sa anatomy kailangan lahat alamin, from the largest vessels to the smallest one (aorta and vena cava to capillaries), every muscles of the body from fontal belly of occipitofrontalis to flexor digitorum brevis (head to foot), isama mo pa ang mga ligaments and tendons at ang innervations and OIA (Origin, Insertion Action ), from groves, depressions, fissures and canals of the bones, and gyri and sulci of the brain. Sa physio naman mechanism of circulation, micturation, respiration and all the different senses lahat na. Sa biochem naman, from your micromolecules hanggang macromolecules, isama mo pa ang mga metabolic cycles.

2. Medicine is not for the weak, Pagdating sa med swerte mo na kung maka apat na oras ka na tulog. Tulog na ang mga tao ikaw gising pa, nagising na sila ikaw gising padin (wala pang tulog) kung mahilig ka naman mag library kasi minsan hanggang 12 midnight open,  dadating ka ng bahay tulog na sila, aalis ka tulog padin sila kaya bihira nalang kayo magpangkita. Sa medicine ang challenge sayo ay physical (8 hours straight lecture, tapos lunch break lang), emotional (iiyak ka nalang, yung tipong tatanungin mo ang sarili mo bakit ko ba to pinasok) pati spiritual (minsan tatanungin mo si God, Lord makakaya ko pa ba to? Kailangan ko po kayo, itutuloy ko pa ba to?)

3. What you will learn are almost all theoretical. Subjects mo sa 1st year ay puro pang basic knowledge ng normal structures and functions. All are fundamentals of medicine. Pagdating nyo pa ng upper years ang pathological (2nd year) and clinical (3rd year).

4. Lifestyle is sedentary. Either papayat ka or tataba. Hindi mo maiiwasan na tumaba, kasi ang pagkain ang magiging outlet mo ng stress. May mga tao din na ang trip sa buhay ay mag gym, jogging, umakyat ng bundok or sumali sa mga sporting events (dami nilang oras- pero saludo ako sa kanila kaya nilang pagsabayin)

5. You know nothing. Dito mo mararanasan matakot, sapagkat ang dami mo pang hindi alam.

6. Medical jargons are impressive .Sikapin mong alalahanin ang mga tinuro sayo para pag may reunion kayo ng family, relatives and non medical friends mo pabibo ka.

7. Medical school is not a competition, ang competition lang ay pag kumuha ka ng NMAT, entrance exam at interview. Pag nag start na ang school year ang ka competition mo ay ang sarili mo.Wag kang manghila ng iba para umangat ka, magtulungan kayo konti na nga lang ang nagdodoktor mag hihilaan pa kayo pababa. #BatchUnity

8. Medical career is not easy. Ang pagddoktor ay hindi madali at hindi petiks, kung madali edi ang dami na sanang doktor. (kung naghahanap ka ng med school na madali, mag dalawang isip kana sapagkat ang pag ddoktor ay hindi biro at walang med school na petiks.) The only thing that makes it less stressful and hassle are your family, your friends, your professors ( that are intelligent, witty, inspirational and not boring) na parating nandyan para gabayan ka and also the GREEN environment (magandang tanawin at sariwang hangin).

9. Ang pre-med mo ay may pros and cons kasi sa med pantay-pantay lang kayo lahat siguro mga 1st sem makakatulong sayo mga nalaman mo ng undergrad pero pagdating ng second sem kailangan mo na talaga mag basa ng mga libro. Minsan magaling ka sa theo pero hirap sa pracs or kabaliktaran. Kung magaling ka sa lahat, ikaw na.

10. Dahil sa med school parati kang absent, madami kang hindi mapupuntahan na birthday, kasal, libing binyag lahat na ng okasyon. Sa mga dormers, pagkain sa labas or outing ng family mo di ka na invited magugulat ka nalang pag nag upload ng pictures kapatid mo or mommy mo na kumain sila sa labas or nag baguio, nag batangas, nag bora, nag palawan. Pati mga kaibigan mo nagtatampo na sayo at sasabihin alam na namin ang excuse mo magaaral ka na naman hanggang sa hindi kana nila paniniwalaan.

11. Sa med may FOREVER, forever kang mag aaral, forever kang matututo at kung single ka naman baka maging forever single ka na nyan. Sa may mga bf/gf, sabi nila pag natapos nyo ang med at kayo parin wag mo nadaw pakawalan yan na ang FOREVER.

12. Sa med may pagcompare sa non med friends, ecocompare mo ang sarili mo sa mga high school at college friends mo, yung may mga trabaho na, yung iba may asawa na, may anak na, yung iba may kotse at may bahay na, nagttravel na tapos ikaw ay hamak na gumagapang maipasa lang ang 1st year. May mga punto na hindi ka makikinig sa lecture para pagusapan ang dream wedding mo, dream house mo, ilang anak ang gusto mo tapos magbibilang ka kung ilang taon ka bago makuha ang mga to tapos mapagtanto mo na wala na sa calendar and edad mo para maachieve ang mga to, MATANDA kana. hahaha

13. Ang medicine ay parang love, binigay mo na lahat pero kulang parin. Nagaral ka, nagpuyat or di natulog pagdating ng result bagsak parin, saklap diba?

14. Sa med uso ang ” You only photocopy” or “You only read once” sa dami ng pinaphotocopy (libro, trans) isang beses mo lang mababasa or mas masaklap hindi mo talaga nabasa, kaya You Only Photocopy.

15. Sa med, lalo na pag gross anatomy- 1st day ng dissection, takot ka pa, nandidiri, doble-doble ang gloves tsaka mask pero ng patapos na isang kamay nalang ang may gloves tapos wala ng mask #DissectingLikeABoss. Minsan nagwwish ka na sana tulungan ka ng cad na ituro sayo kung vein, nerve or artery ang naka-pin sa moving exam(creepy).

Pero seriously ang pagddoktor ay hindi biro, 4 or 5 years na premed, 4 years na proper med at marami pang mga taon na susunod. Marami kang isasakripisyo para makamit ito pero sa huli ang pakiramdam na makatulong ka sa ibang tao at mabago mo ang buhay nila ay sapat ng kabayaran sa lahat ng mga sakripisyong ginawa mo. Kaya kung yumaman ang hangad mo wag ka mag doktor mag business ka nalang. Sa lahat ng mga gustong mag doctor kaya nyo yan ipush nyo yan. Goodluck and Godbless sa med school application nyo naway makapasok kayo sa dream school nyo. Sa batch ko, kaya natin to #PUSH pa magiging 2nd year din tayo. Huwag mawalan ng pagasa makakamit din ang pangarap.

#Mangarap

Advertisements