Tags

, , ,

11800120_10206137929221763_8755051693863525844_n

Me during the exam, I did my best, but.

Alam mo yung feeling na ang bobo mo. nagaral ka naman, nagpuyat ngunit bakit, bakit ang baba parin or masaklap bakit bagsak pa rin. Ano nagyari? (YAN ANG FEELING KO NGAYON)

Sabi nga nila 2nd year ang pinakamahirap na year level sa medicine, hindi dahil sa mahirap na subject (MAHIRAP ANG SUBJECT) pero dahil sa sobrang daming subject at sobrang dami ng coverage ng exams (pero ang number of exams konti lang kaya mahirap bumawi). Kung nung 1st year eh madami na ang 4 na topics per exam ngayon akalain mo yun 11 na topics sa patho, 9 na topics sa micro, 5 topics sa pharma, may Physical diagnosis at surgery pa (exams sa loob ng tatlong araw, monday to wednesday).

Kung nung 1st year sa isang lingo 2 beses yung exam day, Monday tsaka thursday. Maximum of 2 subjects per day pa yun maliban nalang kung may bagyo at kailangan e compress ang schedule. Ngayon sa isang linggo 3 araw yung exam, monday, tuesday tsaka wednesday tapos maliban sa exam may class pa kayo at pasahan ng mga requiremnts gaya nalang ng pasahan ng research proposal at minsan quizzes sa ibang subject na walang exam.

Nakakapagod, gusto ko ng umiyak feeling ko naman wala din nararating ginagawa ko. Laklak ka ng kape, aral, tulog ka ng 3 oras, gising ka, kuha ka ng exam, paglabas ng exam result pagkahapon-mababa ka or worst BAGSAK ka. Tapos inom ka na naman ng kape, aral, tulog ka ng 3 oras, gising ka, kuha ka ng exam, paglabas ng exam result pagkahapon-BAGSAK na naman ulit. Paulit ulit nalang ba ito?

Kakasimula palang ng 2nd year at feeling ko ubos na ang energy ko for this year. Sobrang hirap pala. Sobrang hirap e maximize ang oras mo sa pagaaral (siyempre hindi lang naman pag aaral ang aatupagin mo, may mga bagay din na kailangan kang gawin). Makakabawi paba ako or mag LOA nalang ako.

Yan ang tumatakbo sa isipan ko till i saw this post:

Someday everything will all make perfect sense. So laugh at the confusion, smile through the tears and keep reminding yourself that everything happens for a reason.

Hindi sya magandang simula for me, the past one month (akalain mo isang buwan pa lang) is not a smooth sail, coz I have to do a lot of minor and major adjustment. Hopefully, I have adjusted already and knows my phasing sa pagaaral.

Kung ano man ang nakasanayan nung 1st year, na kahit a day before nalang mag aaral, or past-e nalang aaralin or kaya naman ng stock knowledge hindi na sya uubra ngayong second year and I learn it the hard way, OUCH isang malaking OUCH. Ang sakit po.

Hopefully I learned from this, and you’ll learn from me.

(Kailangan ko lang maglabas ng saloobin bago magralal ulit- GANYAN TALAGA ANG BUHAY kailangan mag move on)

Ill be updating this post for some link of inspirational materials:

SCOREBOARD:

NEVER GIVE UP:

NEVER QUIT:

STUDY

Advertisements